
Sa ating buhay problema ay kaagapay,
Hindi natin alam kung tayo’y magtatagumpay,
Kaya’t pahalagahan bawat yugto ng buhay,
Upang ang madama ay kaligayahang walang kapantay.
Maraming suliranin sa ating pag-aaral,
Tulad ng salapi na siyang nagiging sagabal,
Upang maabot natin ang rurok ng tagumpay,
At magkaroon ng permanenteng hanap-buhay.
Huwag mawalan ng determinasyon,
Sa halip dumalangin sa ating Poon,
Kaakibat nito’y kaukulang aksyon,
Upang simula ay pumaroon.
Sa mga puno ng problema, huwag magalala,
Sapagkat mayroon pang pag-asa,
Dahil habang tayo ay humihinga,
Maraming solusyon pa ang makikita’t magagawa.
Walng makakasira sa ating plano,
Basta’t mag-aral at magtrabaho,
Makakamit natin ang pangaral sa buhay at mundo,
O sa kabila ng hirap, tagumpay din and dulo.
No comments:
Post a Comment