Tuesday, March 23, 2010

Alfred By: Hannah Rose P. Herrera

Ganito ba talaga ang umiibig?
Damdami’y ‘si maintindihan kung ano ang ibig,
Parang ‘di maprediktang agos ng tubig,
Maging panahong pabago-bago’y daig.

Tunay na ‘di maunawaan itong nasasaloob ko,
Kani-kanina lang ay galit ako sayo,
Subalit ‘si mawari, bakit biglang nawala ito?
Dahil lang sa biglang pagtawag mo.

Ano ba itong hiwagang sayo’y bumabalot?
Napalitan mo ng pagmamahal ang kanina’y poot.
Puso ko ngayo’y saya ang suot,
Pagtawag mo ang sigurado akong nagdulot.

Ako nga ba’y sadyang nasisiraan na?
O sadyang mahal na mahal lang talaga kita?
Ako nga ba’y nagpapakatanga?
Sa isang tulad mong ‘di alam magpahalaga.

Mahal, iyong pakatandaan,
Ako man ay iyong pahirapan,
Sa aki’y ito’y walang ano man,
‘pagkat buong pagkatao ko’y sayo lang laan.

Gaano man katagal ako’y maghihintay,
Asahan mo, kahit akin pang ikamatay,
Sapagkat pag-ibig mo’y aking taglay,
Wala akong pakialam kahit pa ito’y di tunay.

Ngayon dahila’y akin nang napagtanto,
Kung bakit ganito na lamang ang halaga mo,
Ito’y dahil na lamang ang halaga mo,
Mahal talaga kita, ito’y walang halong biro!

No comments:

Post a Comment