Tuesday, March 23, 2010

Hagdan By: Bez

Heto na naman, tahimik ang kapaligiran,
Tila nakakabingi ang katahimikan,
Hindi maiwasang maglakbay ang isipan,
Tila nananaog sa gitna ng kawalan.

Habang ang isip ko’y nagugulumihanan,
Aking natanawan ang bakanteng hagdan,
Bigla kong naalala ang iyong pagdaan.
Bakit kaya ngayo’y ‘di kta masilayan?

Aking napagtantong kay tagal nap ala,
Mula ng sa piling ko ikaw ay nawala,
Akala ko nung una sa akin ay baliwala,
Na ang magandang samahan nati’y
Mawalang parang bula.
Ngunit bakit ngayo’y nagbabalik sa hinuha,
Bawat alaala mo’y aking nagugunita,’
Hindi mapigilan ang pagpatak ng luha,
‘pagkat ang ibalik ka ay ‘di ko na magawa.

Hanggang ngayo’y ‘di pa rin alam,
Kung ano nga ba ang naging dahilan,
Bakit tila tayo’y nagkaroon ng alitan,
Kahit parehong sagot natin ay “wala naman.”

Tunay ngang kayliit ng mundo,
‘pagkat maya-maya ikaw ay naririto,
landas natin ay ‘di maiwasang nagtagpo,
ngunit tila tayo sa isa’t isa’y magkalayo.

Tanging doon sa hagdan na nga lang ba,
Na kita ay masusulyapan at makikita?
Hindi na kaya muling magagawa pa,
Ang makasama at muling mahagkan ka?

Ngunit salamat pa din sa bakanteng hagdan,
‘pagkat kahit paano’y ako’y napagbigyan,
na kahit sa malayo, ika’y masulyapan,
kahit pa mga mangyayari’y walang kasiguraduhan.

Saan na nga kaya napadpad ang inaasam?
Hanggang ditto na nga lang ba ang pagkakaibigan?
doon na nga lang bas a nasabing nagdan,
Ang mga alaala mo’y babalik-balikan?

No comments:

Post a Comment