Tuesday, March 23, 2010

Puno By: Venessa dela Cruz

May isang matayog na puno,
Na noon ay nakatirik,
Malawak ang sakop,
Mataas ang abot,
Ito’y nagbibigay ng lilim,
Lilim na nakapagpapandong sa mga tao,
Ito’y nakapagbibigay ng bunga,
Bunga na pinapakinabangan ng lahat.


Madalas ‘di pinapansin,
Ang puno na nakatindig sa atin,
Parang walang buhay kung tutuusin,
Ngunit sa nakauunawa,
Ito’y nagbibigay buhay sa atin.

Ngayon maaaring manganib,
Puno na iniingatan ng matagal na panahon,
May magagawa ba tayo?
Kung tayo’y magsasawalang kibo,
Sa ating kapaligiran na winawask na ng palalo.

No comments:

Post a Comment